Skip to content

Kulang-Kulang

May 9, 2016

Buong awit:  Gm – Cm67

 

May isang pook

‘Di ko lang ibubulgar

Kung saang sulok

Nakasuksok

‘Ngalan ng purok

Ay Kulang-kulang

Pagka’t marami rito

Ay may kapansanan

Kulang ng daliri

Kulang ng kamay

Matang sarado at

Paang hindi pantay

Walang malaking hiwaga

Kung p’ano nagkagan’to

Dahil daw sa dinamitang

Sa dagat ibinato

 

kulang-kulang

kulang-kulang

kulang-kulang

dahil ba sa dinamita?!

 

Pabuto, paputok

Hanapbuhay lang

Pagnagkamali ng konti ay

Matatapyasan

Wala nang hanapbuhay

Ano pang ‘panlalaman

Sa kumakalam na tiyan

Ice-kendi na naman?

Ang laking sakuna

‘Di lang sa katawan

Pagsabog sa ilalim

Ang lahat ay gulantang

Wasak pati bahura

Na itlugan ng isda

Kaya pala wala nang huli

Dahil ba sa dinamita?!

 

kulang-kulang

kulang-kulang

kulang-kulang

dahil ba sa dinamita?!

kulang-kulang

kulang-kulang

kulang-kulang

dahil ba sa dinamita?!

 

Patay, lutang sa tubig

Buhay, lubog sa utang

Ganyan kung maningil

Ang inutangang kalikasan

Kapag bale ka nang bale

At ani lang nang ani

Umiikli ang pisi at

Hirap nang bumawi

Lulubog, lilitaw

Tataas, bababa

Kung hayaan mong mamunga

Ay muling nananagana

At ang aral na ito ay

‘Simbigat ng bato

‘Wag pasasabugan ang

Bubuhay sa iyo

 

kulang-kulang

kulang-kulang

kulang-kulang

‘Wag pasasabugan ang

Bubuhay sa iyo

 

‘Wag pasasabugan

Leave a Comment

Leave a comment